Wednesday, October 24, 2007

a trip to lobo, batangas

last weekend i got the change to see lobo , batangas , i never thought that aside from remote areas like benguet or batanes there's a beautiful place like lobo ... i wonder why i am so amaze of the place .... the trip was so fun ... infact i enjoyed it though a bit tiring ....

sa totoo lang hindi ko akalain na uso pa din pala sa batangas ang ganung klaseng pagsakay sa isang sasakyan , siksikan sa isang jeep na ang pangsampuan lang na upuan ... nagiging labing isa o labingdalawa at hindi lang yan sa gitna ng jeepney ay nakabalandra ang mga ibat-ibang klase ng kalakal na ibebenta nila may sinturis na ngayon ko lang nadinig na sa tamang pangalan nya sa tagalog ay dalandan , may pinipig , bigas , lansones , saging at kung anu-ano pa actually para kaming tinapa ... o sige na nga para kaming sardinas na habang bumabaybay kayo sa inyong patutunguan eh may mga tao duon na bumibili at nag bebenta ng kanilang mga kalakal ... mga ordinaryong tao na ibat-iba ang mga katangian .... mga ordinaryong tao na mababakas ang kasimplehan ng kanilang pamumuhay .

mahigit isang oras ang babaybayin mo kung gusto mong makapunta ng lobo , sa isang oras na yun na puro mga puno , bangin , zigzag na daan , amoy ng tae ng kalabaw at ang mga baku-bakung daan , masasabi ko na naman na sulit ang pag punta ko sa lobo .

bakit nga ba ako nakarating sa lobo ? kasi ba naman etong si jopotskie kinaray-karay ako duon .... biro mo alas kwatro ng umaga gising na ako .... nag hahanda na para lang makarating sa lobo . classic di ba ? para naman ang layo ng lugar ... pero promise malayo nga sya kung tutuusin .... duon kasi dinedevote ni jopotskie ang araw ng linggo sa lobo , andun kasi ang mga tao na nakasama nya ng matagal , mga tao na simple lang ang hangad sa buhay, walang halong kaplastikan , mga tao na ang nais lamang ay magbigay ng parangal at pag papahalaga sa amang nagpahiram ng ating buhay ...

akala ko noong una hindi ako mag eenjoy kasi ba naman antok na antok pa ako kulang na kulang ako sa tulog ... tapos ang maririnig ko mga kanta at panalangin na nagbibigay papuri sa diyos .... sabagay sa totoo lang ulit di naman ako debotong nilalang hindi nga ako nag sisimba eh . madalas nagagawi lang ako sa simbahan pag birthday ko , minsan nga hindi pa o kaya naman pag may matindi akong problema na hindi ko na kayang dalhin ....

pero si jopotskie grabe karir sa kanya ang pagpunta ng lobo ... doon binibigay nya ang sarili nya sa mga tao na kanyang nakakasalamuha ...
sa loob ng dalawang oras na pag woworship nila isang nilalang ang nakapukaw ng aking atensyon .... si tatay hindi ko kasi natandaan ang kanyang pangalan kaya tatawagin ko na lang sya ng tatay ....

isang matandang lalaki na puno ng katiwasayan sa buhay .... kuntento kung anuman ang meron sya . sa unang kita ko pa lang sa kanya mababakas na sa kanyang mukha na masaya sya sa kanyang buhay , maaliwalas ang kanyang mukha .... may kirot akong nadama sa aking puso ... biro mo buti pa ang mama na ito kontento na kung ano ang meron siya samantalang ako i always asked for more or indeed i dont value what i have .... ( sigh )

sa kanyang pag sasalita naibahagi nya ang kanyang buhay na dinaanan kung paano mabuhay sa maliit lang na salapi . biro mo ang two hundred pesos malaking bagay na sa kanila samantalang ako , yun 200pesos pambili lang ng magazine o kung ano man na pang kikay ko .... sa kanila ang perang yun pangkain na nila ng kaniyang pamilya .... he made me realized how lucky i am ... sa kanyang testimonial sabi nya minsan daw dapat itest natin si god kasi si god kahit na anuman ang mangyari di nya tayo pinapabayaan ... pag nagbigay ka ng sapat mas malaki ang kapalit noon di man pera pero sa ibat-ibang bagay bumabawi si god ...

sa totoo lang ulit lahat naman ng sinabi ni tatay may tama .... may dating kumbaga ... halimbawa na ako .... sa totoo lang ang swerte - swerte ko biro mo may trabaho ako , kumikita ng maayos , nabibili ko kung ano man ang aking naisin , nakakapunta sa mga magagandang lugar , nakakain ng masarap sa tamang oras , lahat ano pa ba ang dapat kung hilingin .... dapat doon pa lang makuntento na ako .... pero hindi malungkot pa din ako bakit kasi may isa bagay pa na hindi pa binibigay saken ang diyos ....

kasalanan ko din naman kasi hindi kasi ako nag titino ... hindi natutoto masyado kasi akong mapusok.... hige lang ng hige ... kaya siguro hindi pa sya dumarating kasi masyado akong pasaway .... hehehehehehe and really i don't value what i have , i keep asking for more na feeling ko ang lungkot ng buhay ko na malaking kawalan sken kung wala ang isang bagay na yun na totoong magpapaligaya sken .... hindi ba ako ang unfair ? sa totoo lang ulit i am so lucky kasi in all of my trials and difficulties lagi syang nandyan ako lang ang hindi marunong mag give thanks well i do appreciate it pero i am looking for what i dont really have . dapat ngayon matuto na ako kasi di na naman ako bumabata infact i should learn to value everything .... a trip to lobo was indeed educating .... infact i learned to value myself more and realized that god is too good to me because no matter how bad and mean i can be he still continue to shower me with lots of blessing .... he never give up on me so why should i question him about that someone .... well infact i know that someday god will bring me to that right someone ....