hello philippines , hello world , mabuhay !ewan ko din ba kanina wala akong magawa kaya nag bukas na naman ako ng pambansang libangan ang friendster ! sa aking pag sasalikisik napukaw ang aking atensyon sa bulletin ni karen cabangon .... pwede bang mag absent ?
pwede nga bang mag absent hay naku bakit nga ba ang hirap - hirap na umabsent ewan ko din ba kung di ka pa magkakasakit di ka papayagn na lumiban sa trabaho .
parang kailangan ata na puro trabaho na lang .... katulad ngayon ulit atat na atat na akong di magtrabaho ala pa akong kapalit sa bandila ... naiinis na ako ... nababagot ...
kaya heto pakibasa na lang ang likha ni ken .... totoo po ito maniwala ka ....
pwede bang umabsent ni karen cabangon:
ewan ko ba.. bakit ang hirap umabsent sa trabaho... madaling magpaalam kaso nga lang wala naman makakapalit. meron man di ko pa rin magawa kasi baka may pumutok na malaking balita e hello di naman ako writer di rin naman ako ep isang hamak lang na coordinator.
iniisip ko kasi baka mahirapan si barbie pagnagkataon. love ko kasi sya e ehem! teka pala e nung birthday ko di ako umabsent e pwede namang mag-birthday leave pero di ko pa rin nagawa kasi mahihirapan na naman siya. sabi nga ni sir ted failon lilipas din yan kaya ayun present pa rin ako. tanong ko tuloy, meron din ba tayong bday loan?
hehehe. halos sa araw-araw ko nga na ginagawa: kailangan pumasok ng maaga na di ko ginagawa kasi naglalaro pa kami ni bea at alam mo yun barbie. kahit man maaga akong umalis ng bahay traffic naman sa nakapagandang daan ng nlex, di ba reichelle? agree ako sayo. tapos pagdating ko pa sa newsroom na hindi pa man din ako nakakapagsuklay na para bang ang hangin sa labas, heto at may isang tao na mataas na ang kilay at
magtatanung, "bakit ngayon ka lang?" siempre no comment lang ako baka kasi mahalibas ko ng silya eh! "hello, 3:30pm pa lang! may storya na ba?!" "ep ka?!" ayan e deadma siya. dadating naman si reichelle ganun din sasabihin pwede ba irecord mo na yang sinasabi mo nakakairita na. barbie ikaw ba yan?! ooops.. ep ka nga pala executive
playback nyarhar! so pagkatapos ng 2 and a half na paki-print ang script, o kuhanan na si ganito ng script ni (reporter) dictate na siya, paki-transfer na yung script ni (reporter), ay ken pakilagyan naman ng water yung dispenser kasi wala na e, ano ba? karir! siempre ako naman sunud lang kasi wala kaming pangkape nasan na ba si kurt?, kelangan ko talagang gawin si mam beth yung nag-utos e hehehe totoong ep na yun ng tvpatrol. o usok naman tayo dyan. ay 6pm na pala kailangan ko na pumunta ng studio07. di pa man ako nakakaupo feeling ko napapagod na ako feeling ko may sakit na ako sa puso sa tuwing umeere ang patrol.
ayan na 5mins before airing vivi ang headlines nasan na ilang percent na? ano dubbing out na ba? ilan ang item mo? magsalita ka..viviiii?!! halos minalat ako sa
pagbanggit ko ng mga salitang iyon. pasok na headlines problema naman ang first item wala pa ano ba yan?!! aatakehin na ko sa puso di ko alam kung ano ipapasok ko sa prompter. ate nems please parang awa mo na! heto na si mam beth galit na.. "putang-ina nasan na si (reporter)! at heto na ang hagis to the max na telepono na kung di ako iilag e tatamaan talaga ako.. ok na siguro kami pag natapos na ang first gap ng patrol. sana 7:50 na kasi antok na ko eh.. at at saka sakit na tenga ko sa mga boses
esp. barbie, ate peachy, mam beth. damay pa nyan ang katawan. kailangan bang may masaktan ha?!! ang sakit nung isang araw na nagwala si mam beth na hinagis nya yung phone dumampi sa kamay ko eh may pasa nga ko e joke~ ayan hay salamat tapos na ang patrol siempre isang programa na lang ang kakaririn ko.. newscentral pero di naman ako gaanong hirap dun kasi taga tanawan lang naman ako at saka taga mando.
10:40pm uy uwian na. abang na ko taksi. "mama, sa may cubao po sa may baliuag transit malapit" eto na sakay naman ako sa van pauwi na... kamalas malasan ko pa may lasing pa akong katabi.. nasa nlex na kami ng bigla na lang siyang bumuwal sa tabi ko siempre nainis ako at sinabihan ko siya na "mama ano ba? parang wala ng inumang
magaganap bukas ah?! di man lang kayo nagtira ng konting ulirat sa pag-uwi" hay nako sobrang di ko ma-take ang amoy.. at heto pa sinampay pa niya ang kamay nya sa ulo ko, loko loko talaga nagalit na talaga ako at sinigawan ko na siya "mama wala ka sa hulog magtino ka ihuhulog kita sa daan!" awa naman ng dios nakarating ako ng matiwasay sa aming tahanan. miss ko na si bea. mwah!
yung lang po. ang araw araw kong ginagawa. opisina-bahay minsan inum dyan sa may tapat. so ngayon aabsent pa ba ko ... hmmm di na i love my job eh. mamimiss ko yung mga yun oh
Wednesday, September 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment