october 19,2007
bilang isang empleyado sa media .... ang nais namin ay makapaghatid ng balita ... ng maganda at makabuluhang storya ...
october 19, 2007 .... isang malakas na pagsabog sa glorietta 2 sa makati ang naganap . isang trahedya na ikinamatay ng walong katao at mahigit sa pitongpung katao ang nasugatan ... at dumarami pa ....
kanina lahat ng tao sa newsroom ay abalang-abala sa pag hahanap ng impormasyon para makakuha ng mga latest na video na maari namin na maipakita sa taong bayan ...
lahat ay abala-abalang , walang nakakaramdam ng pagod , lahat ay kumikilos para lamang maihatid sa taong bayan ang mga pangyayari na dinulot ng trahedyang ito ...
at isa na ako sa mga tao na yun ....
kanina ang akala ko okey na yun mauna kami sa gma 7 na makapagbreakinng news ... aba malaking kagalakan ata yun nauna kami, naungusan namin sila sa magagandang video ... biro mo may chopper shot pa kami ayos ...
na ang lahat ng ito ay kompetisyon ... pagandahan at malaliman ng storya na makukuha ...
eh di ba masarap yata yun feeling na ikaw ang exclusive .... may magandang coverage na maipapakita sa tao ....
kanina din habang nag nenews central ako .... habang unti -unti ng pumapasok sa utak ko ang pangyayaring naidulot ng trahedyang ito ... ngayon ko lang naramdaman ang awa sa puso ko sa mga tao na nasugatan , sa mga tao na namatayan , sa mga tao na naiwanan ng kanilang mga mahal sa buhay ....
ang pait na idinulot ng trahedyang ito ... ang mga bakas ng pagsabog sa glorietta na nagdulot ng maraming abala sa mga tao na nais lamang na maglibang o kaya'y maghanap ng pagkakakitaan sa buhay ...
sa mga tao na hindi na mararamdaman pa ang magmahal ...
sa mga tao na naghahangad ng panibagong buhay
sa mga tao na nawalan ng pamilya at mahal sa buhay
bakit ba may mga tao na ang nais lamang ay makasakit ng kapwa ? bakit may mga tao na walang awa na kumikitil ng buhay ng mga inosenteng nilalang ? sana lang nakakatulog pa kayo sa gabi ...
sana may nararamdaman pa kayo na konting pagmamahal sa inyong mga puso ...
sana habang pinanonood nyo sa tv ang ang kaharasan na idinulot nyo ay magawa nyo pa at maramdaman kayo ng kahit na konting konsensya ...
sa totoo lang .... walang ginawang kasalanan ang mga tao na nasa glorietta kanina ...
dahil ba ang gusto nyo lamang na makapanakot ?
maghasik ng lagim ?
sabihing mahina ang ating pamahalaan at walang tibay na maaasahan ... ?
ang alam ko bawat nilalang ay may puso , bawat isa sa ating mag bait na itinatago ..
pero hindi ko din alam ang kasagutan ...
ang alam ko sa ngayon madaming tao ang nakakaramdam ng sakit na idinulot ng trahedyang ito , marami ang nawalan ng mahal sa buhay na dulot ng mga taong hangad ay makapanakit ng kapwa .... sana lang may pagmamahal pa kayong natitira sa puso nyo ..
at sana hindi nyo maramdaman ang sakit na iniwan nyo sa mga tao na nagdurusa ngayon.
Friday, October 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment