Saturday, April 8, 2017

six years ....

april 8 2011 yan ang petsa na iniwan mo ako. ang petsang yan ang mag papaalala sa kabiguan at pighati na nararamdam ko hanggang sa ngayon . anim na taon matagal tagal na din pala pero yun sakit at pag mamahal lahat andito nakatago pa din sa pusong hanggang ngayon ay nag hihintay at umaasa . marami ng nangyari . maaring hindi na nga talaga kita kilala ng lubusan . marami na din akong hindi alam . nasanay na ako na wala ka . nasanay na din ako walang tumatawag o nag tetext sa umaga . nasanay na akong walang tumatawag sa akin ng "honey" nasanay na akong wala ka ... pero ang masakit hindi ako nasanay na kalimutan ka at mahalin ka . sana natuturuan ang puso siguro matagal na akong naka pag move on  pero hindi eh sa anim na taon na wala ka mahal pa din kita hindi ko yata alam ang salitang pag limot bakit ang hirap hirap syang hanapin? bakit hanggang ngayon nasasaktan pa din ako ? bakit hanggang ngayon hinahanap hanap pa din kita ? bakit ngayon mahal na mahal pa din kita ?  ang sakit sakit na ... bakit hindi kita makalimutan ? minahal naman kita ng sobra pero bakit mo ako iniwan ? kulang pa ba ? may dapat pa ba akong patunayan ? o sadyang hindi mo lang ako talaga minahal ? ang sakit eh ang sakit sakit pa rin ...

No comments: