Thursday, July 27, 2017
special day
bakit pag mag bbirthday ang isang tao nagiging senti masyado . sabi pa nila pag malapit ka ng mag birthday excited , as in looking forward ka for that very special day pero bakit ako hindi? ganun ba talaga iyon ? kasi tumatanda na ako ? kasi wala naman talagang special sa araw na iyon? baka kasi wala na yun taong gustong gusto mong makasama sa araw ng iyong birthday . yun taong kahit saan ka nya dalhin masaya ka na . yun taong sabihin nya pa lang na happy birthday ok ka na masaya ka na ... ilang taon na ba na wala ka ? ilang birthday ko na ba na inaasam na sana maalala mo ako . na sana ikaw pa din ang kasama ko sa napaka special na araw ko . nasaan ka na ba ? bakit hinahanap pa din kita? hindi ba dapat masanay na ako na wala ka na ? kaya ko naman eh .. kaya ko kasi kailangan . pero bakit ganun .. bakit pag nag iisa na lang ako napapaiyak pa din ako katulad ngayon . siguro dahil hanggang ngayon mahal pa din kita ? siguro dahil sinisisi ko ang sarili ko dahil minahal kita ng lubos ? o dahil siguro hanggang ngayon hindi ako makamove on ? sa totoo lang kahit hindi ko aminin nasasaktan pa din ako . umaaasa ?hindi na . nagmamahal ? oo mahal na mahal kita kahit na ayaw mo na ..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment