Monday, September 18, 2017
tatay
pag nakikita kita na nag hihirap sinasabi ko na sana kunin ka na ni lord .. ang tagal mo na din na naghirap ng dahil sa sakit mo . madalas hindi ko naiintindihan bakit sa kabila ng pag aaruga ni nanay ay nagagawa mo pa din na sigawan sya at sa bawat pag sigaw mo andun ang inis ko sa puso ko . sa totoo lang kawawa ang nanay pero hindi ko naisip na mas kawawa ka . ang tagal tagal mo ng nag dudusa . ang tagal tagal mo ng nakikipag laban sa sakit mo . minsan hinihiling ko na sana tama na . kasi pagod ka na pero minsan madamot din ako kasi lagi kong sinasabi sayo na daddy lakasan mo pa ha lumaban ka pa kasi gusto ko pa ng tatay . gusto ko pa na makasama ka na andyan ka pa .. pero pag nakikita ko na hihirapan ka sana kung wala ng milagro para gumaling ka ... sana hwag ka na lang masyadong pahiraman ni god . you suffered a lot . at alam ko na hirap na hirap ka na . sana daddy kaya mo pa nga talaga . sana gumaling ka pa pero sana hwag ka naman na pahirapan pa ni god kasi nasasaktan ako na nakikita ka ng ganyan . sana may milagro pa si god para sayo . i am not wishing foe myself . i pray that the lord will heal and forgive you daddy . salamat sa pag bibigay ng buhay sa akin . salamat sa mga pananakit mo kasi natuto akong maging malakas . daddy mahal kita .
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment