Wednesday, October 24, 2007

a trip to lobo, batangas

last weekend i got the change to see lobo , batangas , i never thought that aside from remote areas like benguet or batanes there's a beautiful place like lobo ... i wonder why i am so amaze of the place .... the trip was so fun ... infact i enjoyed it though a bit tiring ....

sa totoo lang hindi ko akalain na uso pa din pala sa batangas ang ganung klaseng pagsakay sa isang sasakyan , siksikan sa isang jeep na ang pangsampuan lang na upuan ... nagiging labing isa o labingdalawa at hindi lang yan sa gitna ng jeepney ay nakabalandra ang mga ibat-ibang klase ng kalakal na ibebenta nila may sinturis na ngayon ko lang nadinig na sa tamang pangalan nya sa tagalog ay dalandan , may pinipig , bigas , lansones , saging at kung anu-ano pa actually para kaming tinapa ... o sige na nga para kaming sardinas na habang bumabaybay kayo sa inyong patutunguan eh may mga tao duon na bumibili at nag bebenta ng kanilang mga kalakal ... mga ordinaryong tao na ibat-iba ang mga katangian .... mga ordinaryong tao na mababakas ang kasimplehan ng kanilang pamumuhay .

mahigit isang oras ang babaybayin mo kung gusto mong makapunta ng lobo , sa isang oras na yun na puro mga puno , bangin , zigzag na daan , amoy ng tae ng kalabaw at ang mga baku-bakung daan , masasabi ko na naman na sulit ang pag punta ko sa lobo .

bakit nga ba ako nakarating sa lobo ? kasi ba naman etong si jopotskie kinaray-karay ako duon .... biro mo alas kwatro ng umaga gising na ako .... nag hahanda na para lang makarating sa lobo . classic di ba ? para naman ang layo ng lugar ... pero promise malayo nga sya kung tutuusin .... duon kasi dinedevote ni jopotskie ang araw ng linggo sa lobo , andun kasi ang mga tao na nakasama nya ng matagal , mga tao na simple lang ang hangad sa buhay, walang halong kaplastikan , mga tao na ang nais lamang ay magbigay ng parangal at pag papahalaga sa amang nagpahiram ng ating buhay ...

akala ko noong una hindi ako mag eenjoy kasi ba naman antok na antok pa ako kulang na kulang ako sa tulog ... tapos ang maririnig ko mga kanta at panalangin na nagbibigay papuri sa diyos .... sabagay sa totoo lang ulit di naman ako debotong nilalang hindi nga ako nag sisimba eh . madalas nagagawi lang ako sa simbahan pag birthday ko , minsan nga hindi pa o kaya naman pag may matindi akong problema na hindi ko na kayang dalhin ....

pero si jopotskie grabe karir sa kanya ang pagpunta ng lobo ... doon binibigay nya ang sarili nya sa mga tao na kanyang nakakasalamuha ...
sa loob ng dalawang oras na pag woworship nila isang nilalang ang nakapukaw ng aking atensyon .... si tatay hindi ko kasi natandaan ang kanyang pangalan kaya tatawagin ko na lang sya ng tatay ....

isang matandang lalaki na puno ng katiwasayan sa buhay .... kuntento kung anuman ang meron sya . sa unang kita ko pa lang sa kanya mababakas na sa kanyang mukha na masaya sya sa kanyang buhay , maaliwalas ang kanyang mukha .... may kirot akong nadama sa aking puso ... biro mo buti pa ang mama na ito kontento na kung ano ang meron siya samantalang ako i always asked for more or indeed i dont value what i have .... ( sigh )

sa kanyang pag sasalita naibahagi nya ang kanyang buhay na dinaanan kung paano mabuhay sa maliit lang na salapi . biro mo ang two hundred pesos malaking bagay na sa kanila samantalang ako , yun 200pesos pambili lang ng magazine o kung ano man na pang kikay ko .... sa kanila ang perang yun pangkain na nila ng kaniyang pamilya .... he made me realized how lucky i am ... sa kanyang testimonial sabi nya minsan daw dapat itest natin si god kasi si god kahit na anuman ang mangyari di nya tayo pinapabayaan ... pag nagbigay ka ng sapat mas malaki ang kapalit noon di man pera pero sa ibat-ibang bagay bumabawi si god ...

sa totoo lang ulit lahat naman ng sinabi ni tatay may tama .... may dating kumbaga ... halimbawa na ako .... sa totoo lang ang swerte - swerte ko biro mo may trabaho ako , kumikita ng maayos , nabibili ko kung ano man ang aking naisin , nakakapunta sa mga magagandang lugar , nakakain ng masarap sa tamang oras , lahat ano pa ba ang dapat kung hilingin .... dapat doon pa lang makuntento na ako .... pero hindi malungkot pa din ako bakit kasi may isa bagay pa na hindi pa binibigay saken ang diyos ....

kasalanan ko din naman kasi hindi kasi ako nag titino ... hindi natutoto masyado kasi akong mapusok.... hige lang ng hige ... kaya siguro hindi pa sya dumarating kasi masyado akong pasaway .... hehehehehehe and really i don't value what i have , i keep asking for more na feeling ko ang lungkot ng buhay ko na malaking kawalan sken kung wala ang isang bagay na yun na totoong magpapaligaya sken .... hindi ba ako ang unfair ? sa totoo lang ulit i am so lucky kasi in all of my trials and difficulties lagi syang nandyan ako lang ang hindi marunong mag give thanks well i do appreciate it pero i am looking for what i dont really have . dapat ngayon matuto na ako kasi di na naman ako bumabata infact i should learn to value everything .... a trip to lobo was indeed educating .... infact i learned to value myself more and realized that god is too good to me because no matter how bad and mean i can be he still continue to shower me with lots of blessing .... he never give up on me so why should i question him about that someone .... well infact i know that someday god will bring me to that right someone ....

Friday, October 19, 2007

tragedy...glorietta bombing

october 19,2007

bilang isang empleyado sa media .... ang nais namin ay makapaghatid ng balita ... ng maganda at makabuluhang storya ...

october 19, 2007 .... isang malakas na pagsabog sa glorietta 2 sa makati ang naganap . isang trahedya na ikinamatay ng walong katao at mahigit sa pitongpung katao ang nasugatan ... at dumarami pa ....

kanina lahat ng tao sa newsroom ay abalang-abala sa pag hahanap ng impormasyon para makakuha ng mga latest na video na maari namin na maipakita sa taong bayan ...
lahat ay abala-abalang , walang nakakaramdam ng pagod , lahat ay kumikilos para lamang maihatid sa taong bayan ang mga pangyayari na dinulot ng trahedyang ito ...
at isa na ako sa mga tao na yun ....
kanina ang akala ko okey na yun mauna kami sa gma 7 na makapagbreakinng news ... aba malaking kagalakan ata yun nauna kami, naungusan namin sila sa magagandang video ... biro mo may chopper shot pa kami ayos ...
na ang lahat ng ito ay kompetisyon ... pagandahan at malaliman ng storya na makukuha ...
eh di ba masarap yata yun feeling na ikaw ang exclusive .... may magandang coverage na maipapakita sa tao ....

kanina din habang nag nenews central ako .... habang unti -unti ng pumapasok sa utak ko ang pangyayaring naidulot ng trahedyang ito ... ngayon ko lang naramdaman ang awa sa puso ko sa mga tao na nasugatan , sa mga tao na namatayan , sa mga tao na naiwanan ng kanilang mga mahal sa buhay ....

ang pait na idinulot ng trahedyang ito ... ang mga bakas ng pagsabog sa glorietta na nagdulot ng maraming abala sa mga tao na nais lamang na maglibang o kaya'y maghanap ng pagkakakitaan sa buhay ...
sa mga tao na hindi na mararamdaman pa ang magmahal ...
sa mga tao na naghahangad ng panibagong buhay
sa mga tao na nawalan ng pamilya at mahal sa buhay

bakit ba may mga tao na ang nais lamang ay makasakit ng kapwa ? bakit may mga tao na walang awa na kumikitil ng buhay ng mga inosenteng nilalang ? sana lang nakakatulog pa kayo sa gabi ...
sana may nararamdaman pa kayo na konting pagmamahal sa inyong mga puso ...
sana habang pinanonood nyo sa tv ang ang kaharasan na idinulot nyo ay magawa nyo pa at maramdaman kayo ng kahit na konting konsensya ...
sa totoo lang .... walang ginawang kasalanan ang mga tao na nasa glorietta kanina ...
dahil ba ang gusto nyo lamang na makapanakot ?
maghasik ng lagim ?
sabihing mahina ang ating pamahalaan at walang tibay na maaasahan ... ?
ang alam ko bawat nilalang ay may puso , bawat isa sa ating mag bait na itinatago ..
pero hindi ko din alam ang kasagutan ...
ang alam ko sa ngayon madaming tao ang nakakaramdam ng sakit na idinulot ng trahedyang ito , marami ang nawalan ng mahal sa buhay na dulot ng mga taong hangad ay makapanakit ng kapwa .... sana lang may pagmamahal pa kayong natitira sa puso nyo ..
at sana hindi nyo maramdaman ang sakit na iniwan nyo sa mga tao na nagdurusa ngayon.

Sunday, October 14, 2007

october 14...a time to mourn

it was a fine day then when ellen texted me something , she told me that jessica's mom passed away . i was in shocked ... i didn't expect it was too soon .... my tears suddenly fell as if i was the one who lose her ....

last august , nanay discovered that she has a liver cancer , at first we thougth the pain she was having was brought about by her heart complication , that time nanay was so strong ...
she was hospitalized for a week ... we even visited her at the hospital .... she even laughed , tells story to us , she even said she wanted to go home ...
i don't see anything ... i dont see any sign that she will be gone soon ....
the big c got her .... it was a big lost but then again nanay will not suffer more...
today ... nanay linda passed away and i am so sad of losing her .
i was in shocked and in pain ..... i cried ... i really cried of losing her ....

i will surely misses nanay erlinda ... a kindhearted mom who sacrifice eveything for her five children .... her husband died when jessica's still five then ...
how can i forget a person who's so thoughtful in so many ways ...
a great cook ... a caring and loving grandmother to migs .... a happy person ,. she's so easy to be with ... i will surely misses the food she always cooked for us ... everything about her will surely misses .

today i'll bid goodbye to nanay ... i dont know how long will it take to stop me from crying everytime i remember her ... but one thing is for sure i've known a great woman , a mom that will do everything and will sacrifice everything for her children ... a time for me to mourn and a time for me to say goodbye ... thanks nanay i will remember you always ....

Friday, October 12, 2007

sometimes you have to really let go...

when i think about the time ... do i really have some regrets ? of knowing and giving some or rather most of my attention to someone who really breaks my heart ? oh well .... the answer is no . :) why ? because i must admit that during those times , that someone really put some spark and magic to my life ... they really makes me happy ... in a way that i want it ... ( yes ofcourse i maybe blind and maybe am the only one who feels that . )

sometimes we keep on questioning ourselves and even god why these things happens ? why do we need to feel the pain and make our life so miserable .... we always asked god why ? but the things is do we really asked our selves first ?

i been through a lot of good and bad relationship ... i never won ... i always failed ... i always cried in vain of losing them ... it killed and tore me apart ... maybe because i dont really did my best in loving them , or maybe because its better not to be with them anymore...
i am not afraid to love ... infact i continue loving them , god gave me a big heart and i must admit that i will never be afraid to love as long as i' ve got heart . i never have any regrets but sometimes its better to let them go .... because letting go means that i love them more ...

as i see my self now i am alone again .... i maybe sad today but hey i am not empty ...because i do believe in that time ....the right someone will come along and maybe i will do it right .... so why should i be lonely ? i have lots of good friends who really stay beside me when things go wrong ... i still have myself .... my family .... my friends and god .

sometimes we never really lost that someone .... they just been returned to where they came from ... atleast i had my time and chance of loving them .......

Thursday, September 27, 2007

in my loneliness

paano ba mag paalam sa taong minahal mo mo ng lubusan ? di ba ang hirap ...
madalas tinatanong ko yan sa aking sarili ... bakit ba naman na lagi akong nag mamahal lagi din naman akong nasasaktan .... dahil pa nag eexpect ako na balang araw mamahalin din ako ng taong mahal ko .... na balang araw makikita nya rin ang worth ko at masasabi nya sa sarili nya na mahal na din nya ako ? pero di naman lahat may happy ending ...

at di lahat ng fairy tale masaya ...

parang ako masaya ba ako ? sumaya ba ako sa mga relasyon na pinasukan ko ? nakabangon na ba talaga ako sa sakit na dinulot nito ...
dati-rati pag nag mahal ako puso lang ang masakit bakit ngayon pati utak ko konektado ?

minsan ang hirap ng huminga ... ang hirap ng maging masaya yun bang kailangan tumawa ka ng pag kalakas-lakas para lang masabi na masaya ka ....

sa mga gabi na mag isa ka o ikaw naisip mo na ba na parang ayaw mo na .... sabi ng utak mo tama na ayaw mo kasi di naman tama , masasaktan ka lang , na dapat alam mo na ang tama at mali ... pero bakit ganun mas madalas ang puso natin ang nasusunod ...

minamahal pa din natin ang mga tao na nag papahirap at nag papasakit ng ating kalooban ...

kailangan ba na sobra-sobrang sakit para lang masabi natin na pagod na tayo ? ano pa ba ang nararapat para masabi natin sa sarili natin na ayaw ko na talaga ...
madalas pag di ko na kaya ... umaakyat ako sa third floor sa unit nina bryan doon sumisigaw ako ng todo-todo .... wala lang para akong tanga para lang makahinga para lang mawala ang nasasaloob ko ...

minsan di ko magawang umiyak ... parang gustuhin ko man wala ng luha na gusto pang pumatak pero nasasaktan pa din ako ... yun para bang unti-unti kang pinapatay na buong pagkatao mo unti-unting nawawala ... para kang kandila na nauupos ...
isang sakit na walang kagalingan ....

ang hirap di ba .... bakit ang hirap na limutin ka .... matatawa ba ako o maiiyak kasi tanga ako ? naririnig mo ba ang mga pighati na ito .... nararamdam mo ba ang mga sakit na dinulot mo sa pagkatao ako ? siguro hindi , dahil hindi ka naman marunong mag mahal , hindi mo alam kung paano masaktan at mag pahalaga dahil wala ka nun sa puso mo ...

hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko ... kaya ko pa ba ?
kaya ko pa bang mag mahal ulit ? sana lang sa susunod yun di mo na katulad para atleast maging masaya naman ang mga tulad namin na totoong magmahal ... nakakapagod na dinn kasi .... ikaw di ka pa ba napapagod ?

Wednesday, September 26, 2007

leave of absence footnotes ni kenken

hello philippines , hello world , mabuhay !ewan ko din ba kanina wala akong magawa kaya nag bukas na naman ako ng pambansang libangan ang friendster ! sa aking pag sasalikisik napukaw ang aking atensyon sa bulletin ni karen cabangon .... pwede bang mag absent ?
pwede nga bang mag absent hay naku bakit nga ba ang hirap - hirap na umabsent ewan ko din ba kung di ka pa magkakasakit di ka papayagn na lumiban sa trabaho .
parang kailangan ata na puro trabaho na lang .... katulad ngayon ulit atat na atat na akong di magtrabaho ala pa akong kapalit sa bandila ... naiinis na ako ... nababagot ...
kaya heto pakibasa na lang ang likha ni ken .... totoo po ito maniwala ka ....

pwede bang umabsent ni karen cabangon:


ewan ko ba.. bakit ang hirap umabsent sa trabaho... madaling magpaalam kaso nga lang wala naman makakapalit. meron man di ko pa rin magawa kasi baka may pumutok na malaking balita e hello di naman ako writer di rin naman ako ep isang hamak lang na coordinator.

iniisip ko kasi baka mahirapan si barbie pagnagkataon. love ko kasi sya e ehem! teka pala e nung birthday ko di ako umabsent e pwede namang mag-birthday leave pero di ko pa rin nagawa kasi mahihirapan na naman siya. sabi nga ni sir ted failon lilipas din yan kaya ayun present pa rin ako. tanong ko tuloy, meron din ba tayong bday loan?
hehehe. halos sa araw-araw ko nga na ginagawa: kailangan pumasok ng maaga na di ko ginagawa kasi naglalaro pa kami ni bea at alam mo yun barbie. kahit man maaga akong umalis ng bahay traffic naman sa nakapagandang daan ng nlex, di ba reichelle? agree ako sayo. tapos pagdating ko pa sa newsroom na hindi pa man din ako nakakapagsuklay na para bang ang hangin sa labas, heto at may isang tao na mataas na ang kilay at
magtatanung, "bakit ngayon ka lang?" siempre no comment lang ako baka kasi mahalibas ko ng silya eh! "hello, 3:30pm pa lang! may storya na ba?!" "ep ka?!" ayan e deadma siya. dadating naman si reichelle ganun din sasabihin pwede ba irecord mo na yang sinasabi mo nakakairita na. barbie ikaw ba yan?! ooops.. ep ka nga pala executive
playback nyarhar! so pagkatapos ng 2 and a half na paki-print ang script, o kuhanan na si ganito ng script ni (reporter) dictate na siya, paki-transfer na yung script ni (reporter), ay ken pakilagyan naman ng water yung dispenser kasi wala na e, ano ba? karir! siempre ako naman sunud lang kasi wala kaming pangkape nasan na ba si kurt?, kelangan ko talagang gawin si mam beth yung nag-utos e hehehe totoong ep na yun ng tvpatrol. o usok naman tayo dyan. ay 6pm na pala kailangan ko na pumunta ng studio07. di pa man ako nakakaupo feeling ko napapagod na ako feeling ko may sakit na ako sa puso sa tuwing umeere ang patrol.

ayan na 5mins before airing vivi ang headlines nasan na ilang percent na? ano dubbing out na ba? ilan ang item mo? magsalita ka..viviiii?!! halos minalat ako sa
pagbanggit ko ng mga salitang iyon. pasok na headlines problema naman ang first item wala pa ano ba yan?!! aatakehin na ko sa puso di ko alam kung ano ipapasok ko sa prompter. ate nems please parang awa mo na! heto na si mam beth galit na.. "putang-ina nasan na si (reporter)! at heto na ang hagis to the max na telepono na kung di ako iilag e tatamaan talaga ako.. ok na siguro kami pag natapos na ang first gap ng patrol. sana 7:50 na kasi antok na ko eh.. at at saka sakit na tenga ko sa mga boses
esp. barbie, ate peachy, mam beth. damay pa nyan ang katawan. kailangan bang may masaktan ha?!! ang sakit nung isang araw na nagwala si mam beth na hinagis nya yung phone dumampi sa kamay ko eh may pasa nga ko e joke~ ayan hay salamat tapos na ang patrol siempre isang programa na lang ang kakaririn ko.. newscentral pero di naman ako gaanong hirap dun kasi taga tanawan lang naman ako at saka taga mando.

10:40pm uy uwian na. abang na ko taksi. "mama, sa may cubao po sa may baliuag transit malapit" eto na sakay naman ako sa van pauwi na... kamalas malasan ko pa may lasing pa akong katabi.. nasa nlex na kami ng bigla na lang siyang bumuwal sa tabi ko siempre nainis ako at sinabihan ko siya na "mama ano ba? parang wala ng inumang
magaganap bukas ah?! di man lang kayo nagtira ng konting ulirat sa pag-uwi" hay nako sobrang di ko ma-take ang amoy.. at heto pa sinampay pa niya ang kamay nya sa ulo ko, loko loko talaga nagalit na talaga ako at sinigawan ko na siya "mama wala ka sa hulog magtino ka ihuhulog kita sa daan!" awa naman ng dios nakarating ako ng matiwasay sa aming tahanan. miss ko na si bea. mwah!

yung lang po. ang araw araw kong ginagawa. opisina-bahay minsan inum dyan sa may tapat. so ngayon aabsent pa ba ko ... hmmm di na i love my job eh. mamimiss ko yung mga yun oh

Thursday, September 20, 2007

in my mind...

alas onse na ng gabi labing walong minuto na lang bandila na naman ... sandaling oras kung tutuusin ngunit sa isang katulad ko na bagod na bagod na sa kakatrabaho ito ay isang matagal na pag hihintay .... hay .... bakit ba naman ang tagal ng oras ....
kaya heto napasulat na naman ako sa aking talaan ng samut-saring pangkaisipan ....
huwebes na mamaya lang ng konti byernes na naman at sa susunod sabado na ....
ang pinakamalungkot na araw para sa akin ....
kanina naitanong ko kay jorda bakit ba ala na akong inspirasyon .... sino kaya ang susunod na lalaki na magpapaiyak at gugulo ng aking mundo ? darating pa kaya siya ? o maghihintay ba ako ng matagal ? ay ano ba nawawalan na ba ako ng pag asa ? siguro hindi naman pero sana malapit na siya ....
minsan kasi kahit na sabihin ko at itanim sa puso at isipan ko na magmamahal pa din ako kahit na gaano kasakit ..... minsan di ko na din magawa .... para bang nauupos ako na kandila ..... minsan nawawalan na ako ng lakas na magpatuloy pa ...
kaya ko pa ba ? dapat lang kasi wala naman akong inuurungan .... sa madaling salita palaban ako ...
pero hanggang kaylan ? hanggang kaylan ako maghihintay ? hanggang kaylan ako lalaban ?
hindi ko alam .... sana lang matapos na ang nararamdaman ko na ito ...
masakit na kasi .... dati puso ko lang ang masakit ... ngayon pati uttak ko , isipan konektado sa puso ko .... hindi na ako makapag isip ng maayos .....
nakakatawa lang ..... sa bandang huli mag isa pa din ako ....
minsan ulit tama si shine ako ang tipo ng taong mahilig magmahal sa mga taong di ako mahal ....
bakit nga ba nagkakaganun ..... siguro mahal din nila ako kaya lang mas higit ang pagmamahal na kaya kung ibigay ....
masakit .... sobrang sakit na minsan iiyak ka na lang ng impit na para bang wala ng bukas
pero hindi .... dapat lumalaban ka sa sakit .... hindi ka dapat mag patalo sa nararamdaman mo .... kaya mo yan mnemosynne .... palaban ka di ba ?
sa ngayon parang hindi na ako ang tunay na ako ....bakit may galit akong nararamdam ? bakit hindi ko magawang tumawa na galing sa puso ko ? dahil ba nasaktan ako ? sana bumalik na ang dating ako .... namimiss na kita mnemosynne .......

Thursday, September 13, 2007

my first

wow my blog na ako at heto ha unang subok ko ... ano nga ba ang sasabihin ko ...
hmmmmmmmm...... di ako magaling na writer pag masama ang loob ko siguro i can say things coming through my heart pero ngayon may puso ba ako ....
let me check .....
ok shoot ....

september 12, 2007 :

historic ang araw na ito , today is the day na naconvicted si erap ...

guilty sa kasong plunder

not guilty sa kasong perjury ....

at pagod na pagod din ako kasi kasama ako sa mga taong nag nanais na maihatid ang katotohanan sa taong bayan ... in short in the service of the filipino people .... sige na nga trabaho ko kasi yun ... ang alin ? ang mag hatid ng balita ...
pero aside from that tiring work ... something is bugging me ... bakit kasi pasaway ako , mapagpatol sa mga taong walang bait sa sarili ... in short sa mga taong may tama at sapak na ata sa utak. let me reiterate ...

july 16, 2007. akala ko bumagsak ang mundo ko ... pinagsakluban na ata ako ng langit at lupa . ang galing talaga ng technology or maybe mabait lang talaga si god sken bakit kasi he let me allow to see things in the dark ...

at long last ang pinakahihintay kung pag kakataon , ang mga kasagutan sa mga tanong ko unti-unti ng nabibigyan ng kasagutan . bakit nga ba ? kasi di ko din alam dahil ba di ako nag tatanong , wala akong balak mag tanong ? o nag hihintay ako na si friend ang mag sabi ng katotohanan at pawang katotohanan ....

minsan naiisip ko tama ba na malaman ko pa lahat ng ito ? na nag sisisi ba ako kasi nalaman ko ang pagkatao niya ? o sana wala na lang akong ginawa para atleast it wont hurt me ... na tamang sabihin na what i dont know wont hurt me ...... pero hindi eh nasaktan pa din ako .... umiyak ... bakit nga ba? because in a way i feel cheated ... na inalisan ng karapatan na malaman ang katotohanan ?

but maybe i deserve more ... kasi totoo naman akong nakipagkaibigan sayo friend ...
alam mo kung ano ang masakit yun malaman na yun taong kilala mo pala ay hindi mo sasabing realidad.

yes i live in dreams ..... or the worst fantasy !!!!!!!
masasabi ko ba nag kamali ako ? siguro hindi .....
asan na ba tayo friend ? asan na ba tayo friend ?